‘Isko’ na taga-Marawi, magsisilbing valedictory speaker sa UP-Diliman graduation

By Jay Dones June 20, 2017 - 04:24 AM

 

Isang taga-Marawi na estudyante ng University of the Philippines-Diliman ang nakatakdang magbigay ng valedictory address sa kanyang mga kapwa iskolar ng bayan sa Linggo.

Kinumpirma ng UP Diliman na ang graduating summa cum laude student na may degree sa molecular biology at biotechnology ng UP College of Science na si Arman Ali Ghodsinia ang magtatalumpati sa ika-106 na general commencement exercises ng unibersidad.

Paliwanag ni UP Diliman Chancellor Michael Tan, kanilang napili ang valedictory speech ni Ghodsinia mula sa 12 iba pang summa cum laude graduates.

Magtatapos aniya si Ghodsinia bilang topnotcher sa kanilang klase na may general weighted average na 1.176.

Inaasahang magiging puno ng malalim na mensahe ng pag-asa ang talumpati ni Ghodsinia sa commencement exercises sa Linggo, na eksaktong isang araw bago matapos ang Eid-ul Fitr.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.