Tulad ng inaasahan, magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, June 20.
Nag-anunsyo na ng kanilang tapyas presyo ang Flying V na magbabawas ng P0.70 sa kada litro sa gasolina, P0.10 sentimo sa diesel at P015 sentimo sa kerosene umpisa 12:01 ng madaling araw.
Kapareho ding rollback ang ipapatupad ng Pilipinas Shell, Petron, PTT, Total, Chevron, Jetti, Clean Fuel at Phoenix Petroleum umpisa 6:00 ng umaga bukas.
Ang nasabing price adjustment ay dulot ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.
Inaasahan na mag-aanunsyo din ng kani kanilang rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayon araw.
Ito na ang ikatlong sunod na rollback na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis sa mga nakalipas na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.