Nasa isangdaan at dalawampu na lang umano ang pwersa ng Maute group sa Marawi City at maliit na lang ang okupado nilang lugar sa syudad.
Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng Joint Task Force Marawi, nasa 257 na mga Maute members na ang napatay ng tropa ng gobyerno.
Humihina na aniya ang kakayahan ng local terrorist group dahil paubos na umano ang mga bala nila.
Pero sinabi ni Herrera na hanggang ngayon ay mayroong 400 pang mga sibiliyan ang na-trap sa war zone at nasa 100 sa kanila ang ginagamit na human shield ng mga rebelde.
Sa ngayon aniya ay iiwasan na ng militar na maglunsad ng air strike sa posisyon ng non-combatants bagkus ay magsasagawa sila ng close combat sa Maute members.
Nagpasalamat naman si Herrera sa tulong ng publiko partikular ang pagpapadala ng mga supply, pagkain at sulat sa mga sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.