‘Apat na po’ at hindi ‘apatnapu’; Sec. Ubial, misquoted sa 59 evacuees na nasawi sa Marawi

By Rohanisa Abbas June 19, 2017 - 11:21 AM

PHOTO CREDIT: CAI PANLILIO

Iginiit ni Health Secretary Paulyn Ubial na na-‘misquote’ siya sa isang ulat na sinabing 59 evacuees mula sa Marawi City ang nasawi umano sa evacuation centers.

Paliwanag ng Kalihim sa isang panayam, nang tanungin siya kung ilan na ang nasawi sa evacuation centers, sinabi niyang nasa 19 na ang bilang nito noong Huwebes.

Matapos ito, humingi ng kumprimasyon ang isang mamamahayag ukol sa ulat na apat na ang nasawi dahil sa dehydration.

Kinumprima naman ito ni Ubial at sinabing ‘may apat na po.’

Ayon kay Ubial, posibleng inakala ng mamamahayag na 40 ang kanyang isinagot at idinagdag ang datos na 19 nasawi na una niya nang sinabi.

Samantala, umabot na sa 24 ang nasawi sa evacuation centers sa tala ng Department of Health (DOH) noong Linggo.

Ayon kay Ubial, karamihan sa mga ito ay namatay dahil sa kanilang kondisyong medical gaya ng cancer at sakit sa kidney.

Dagdag ng kalihim, nasawi ang mga ito sa mga ospital.

 

TAGS: evacuees, Marawi City, Maute Terror Group, evacuees, Marawi City, Maute Terror Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.