Pagpapalit ng mga lumang pera, hanggang June 30 na lamang-BSP

By Jay Dones June 19, 2017 - 04:22 AM

Wala nang aasahan pang extension ang publiko sa pagpapapalit ng mga lumang pera na kabilang sa New Design Series na magtatapos sa June 30.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, wala nang plano pa sa ngayon para palawigin ang June 30 deadline na makailang ulit nang na-extend noong mga nakaraang panahon.

Dahil dito, simula sa July 1, mawawalan na ng halaga ang mga naturang pera at tanging ang mga paper bills lamang na bahagi ng “New Generation Currency” ang tatanggapin bilang mga lehitimong salapi.

Matatandaang noong nakaraang Marso, pinalawig pa ng tatlong buwan ng Monetary Board ng BSP ang pagpapapalit ng mga lumang paper bills na unang inilabas noong 1985.

Dapat sana ay noong January 2017 pa mawawalan ng halaga ang mga lumang pera na kabilang sa New Design Series ngunit makailang ulit itong na-extend upang bigyan ng pagkakataon ang publiko na maipagpapalit pa ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.