Bangkay ng limang Abu Sayyaf, nadiskubre sa nakubkob na kuta sa Basilan
Nabawi na ng militar ang kampo na ginagamit umano ng Abu Sayyaf subleader na si Furuji Indama at Radzmil Janatul sa lalawigan ng Basilan.
Ayon kay Joint Task Force Basilan Commander Col. Juvymax Uy, nakubkob ng Joint Task group Hunter ang naturang kampo na matatagpuan sa bayan ng Ungkaya Pukan matapos ang serye ng airstrike at artillery fire sa lugar.
Nagawa umanong matukoy ng mga sundalo ang kuta ng Abu Sayyaf matapos isiwalat ng mga nagsisukong miyembro ng bandidong grupo ang kinaroroonan nito.
Nang datnan ng mga sundalo, natagpuan ang nasa 42 kubol na ginagamit ng mga Abu Sayyaf bilang pahingahan.
Limang bangkay rin ng Abu Sayyaf ang natagpuan at ilang armas ang iniwan ng nagsitakas na bandido.
Marami ring bakas ng dugo umano sa naturang camp site.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.