Militar, nagsagawa ng bagong opensiba sa Marawi

By Rod Lagusad June 18, 2017 - 04:39 AM

Nagsagawa ng panibagong opensiba ang pamahalaan para mabawi ang mga strategic positions na inukopa ng Islamic State (IS)-linked fighters sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, kanilang sinasamantala ang paghina ng Abu Sayyaf at Maute group.

Aniya tinutumbok ng pwersa ng pamahalaan ang sentro ng mga kalaban.

Nanatiling may kakayahan pa ang mga rebelde pero nauubusan na aniya ito ng bala kaya sinasamantala ng pamahalaan ang naturang sitwasyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Herrera na kanila pa ring kinakaharap ang parehong problema mula noong simul pa, ang paggamit ng mga kalaban sa mga mosque para sa kanilang mga sniper at ang pagkakaroon ng mga bihag.

TAGS: Abu Sayyaf, Jo-Ar Herrera, Marawi City, Maute Group, Abu Sayyaf, Jo-Ar Herrera, Marawi City, Maute Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.