Mga bayan ng Bocaue at Bustos, nakabantay sa Kadamay

By Rod Lagusad June 18, 2017 - 04:30 AM

Hinigpitan ng lokal na pamahalaan ng mga bayan ng Bustos at Bocaue at ng pulisya ng Bulacan ang lanilang 24 na oras na pagbabantay sa mga housing sites para sa mga sundalo at mga pulis.

Kasunod ito ng mga bigong pagsubok ng Kalipunan ng Damayang Maralita (Kadamay) na maukopahan ang mga bakanteng units doon nasa dalawang buwan na ang nakararaan.

Ayon kay Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, nanatiling nasa alert status ang pulisya laban sa pwersahang takeover ng nasa 4,000 mga bahay na pinapangasiwaan ng National Housing Authority sa Barangay Batia.

Kaugnay pa rin ito ng mga bagong banta ng Kadamay na muli silang mag-uukopa ng mga pabahay.

Habang ayon naman kay Bustos Mayor Arnel Mendoza ay binabantayan na ng pulisya ang Barangay Bonga Mayor kung saan naroon ang 877 low-cost housing units ng NHA.

Matatandaang una ng nagtagumpay ang Kadamay sa pag-ukopa sa nasa 5,000 low-cost houses sa anim na resettlement projects ng NHA sa bayan ng Pandi noong Marso.

TAGS: bocaue, Bulacan, Bustos, government housing, Kadamay, bocaue, Bulacan, Bustos, government housing, Kadamay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.