Matagal pa bago matapos ang Martial Law sa buong Mindanao.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang may mga putok silang naririnig at hindi nadudurog ang mga terorista sa Mindanao ay tuloy ang pagpapatupad ng Batas Militar.
Gayunman ay susunod umano siya sa Supreme Court sakaling magdesisyon ito na iligal ang pagpapatupad niya ng Martial Law.
Naniniwala rin ang pangulo na matagal na pinaghandaan ang gulo sa Marawi City dahil sa dami ng mga bala at mga bagong baril na gamit ng Maute at Abu Sayyaf Group.
“May mga pulitiko sa likod nitong grupong ito at sila ang financier ng mga ito”, ayon pa sa pangulo.
Gayunman ay umapela siya sa publiko na iwasan muna ang pagdadala ng mga lisensyadong baril sa labas ng kanilang tahanan sa Mindanao dahil pati siya ay hindi rin nagdadala ng baril.
Sa kanyang kalusugan, “What is you see is what you get…you must learn from Davao media na hindi ako sanay na inaalam ang pinupuntahan ko”.
Sinabi rin ng pangulo na hindi dapat mag-alala ang publiko dahil kung anuman ang mangyari sa kanya ay nandyan naman si Vice President Leni Robredo na hahalili sa kanya.
Muli ring binanggit ng pangulo na maayos ang kanyang kalusugan at noong isang taon pa siya huling nagpa-check up.
“Mga kababayan ko don’t worry too much kundi ninyo ako makita ng ilang araw”, ayon pa sa pangulo.
Pinayuhan rin niya ang kanyang mga kritiko na ipagdasal na lang siya gusto siyang mapatalsik sa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.