Duterte nagpakita sa publiko makaraan ang isang linggong “private time”

By Den Macaranas June 17, 2017 - 05:48 PM

RTVM

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo sa 4th Infantry Division sa kanilang Advance Command Post sa Bancasi sa Butuan City ngayong hapon.

Ininspeksyon rin ng pangulo ang mga nabawing mga armas mula sa mga armed groups kasunod ng awarding ceremonies sa ilang tauhan ng militar at Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) members.

Sa kanyang maiksing talumpati ay muling ipinaalala ng pangulo sa mga sundalo ang kahalagahan ng kanilang tungkulin para panatilihing maayos ang kalagayan ng bansa laban sab anta ng  mga terorista.

Muli ring inulit ng pangulo na inihahanda na niya ang iba pang mga dagdag na benepisyo para  sa mga kawal at tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Personal rin niyang pinasalamatan ang mga sundalo na nag-aalay ng kanilang buhay para sa bayan.

Partikular niyang pinapurihan ang mga sundalo mula sa 4th Infantry Division sa kanilang mga tagumpay laban sa komunistang grupo at paglaban sa sindikato ng droga.

Mahigpit rin ang kanyang paalala sa mga tauhan ng militar na mas maging maingat sa pakikipaglaban sa mga terorista tulad ng ISIS at Maute group.

“Mahirap kalaban ang taong gusto nang mamatay…they corrupted the name of their god to kill…matinding kalaban ito”, ayon pa sa pangulo.

Pinayuhan rin niya ang mga sundalo na tapusin kaagad ang mga terorista sa oras na malaman nila ang kinalalagyan ng mga ito para hindi na mas lumaki pa ang problema ng bansa laban dito.

Naniniwala rin si Duterte na bukod sa mga grupo ng Maute ay nasa loob na rin ng bansa ang ilan pang mga terorista na kinabibilangan ng mga Arabo, Indonesian at Malaysians.

Tiniyak naman ng pangulo na hindi niya iiwan sa laban ang mag sundalo bilang kanilang Commander-in-Chief.

Dagdag pa ng pangulo, “Hindi na tayo bibili ng mga segunda manong mga armas. Titiyakin ko na war grade ang mga ibibigay sa inyong mga kagamitan para sa inyong laban”.

Muli ring inulit ng pangulo na mayroon na siyang P20 Billion na initial trust fund para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo maging sila man ay buhay para sa kanilang retirement o mapatay sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kasamang nagpunta ng pangulo sa nasabing kampo ng militar sina AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, Defense Sec. Delfin Lorenzana at Presidential Special Assistant na si Sec. Bong Go.

Nauna dito ay bumisita rin ang pangulo kanina sa Cabadbaran City sa Agusan Del Norte.

TAGS: AFP, año, Butuan City, duterte, ISIS, lorenzano, Maute, AFP, año, Butuan City, duterte, ISIS, lorenzano, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.