Umakyat na sa 313 ang bilang ng mga patay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa kasama sa nasabing bilang ang 59 na napatay mula sa tropa ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga sundalo at mga pulis.
Pinakahuli sa mga nadagdag sa listahan ng casualties si Lt. Junrich Legada na miyembro ng Special Forces Operations Group ng Philippine Army at tubong Midsayap, North Cotabato.
Sa kabuuan, sinabi ni AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla na umakyat na sa 228 ang bilang ng mga napatay na miyembro ng Maute Terror Group at Abu Sayyaf Group.
Nanatili naman sa 26 ang bilang ng mga patay na sibilyan ayon sa tala ng AFP at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kanyang ulat, nauna nang sinabi ni Health Sec. Paulyn Ubial na umakyat na sa 59 ang mga namatay sa iba’t ibang mga evacuation centers na pinagdalhan ng mga inilikas mula sa Marawi City.
Karamihan sa mga ito ay namatay dulot ng kanilang mga sakit ayon pa sa opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.