Publiko, hinikayat na magpadala ng sulat ng pagsuporta sa mga sundalo sa Marawi

By Rod Lagusad June 17, 2017 - 05:21 AM

Hinikayat ng Philippine Army ang mga tao na gustong tumulong sa mga sundalong nakikipaglaban sa mga Maute group sa Marawi na magadala ng sulat para palakasin ang kanilang morale.

Sa ilalim ng programang #OgopMarawi, ay binibigyan ang mga ordinaryong mga Pilipino ng pagkakataong makapagpadala ng liham sa tropa ng gobyerno.

Ito ay para bigyan ang mga ito ng lakas na loob habang isinasagawa nila ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa.

Nahahati sa tatlong sub-programs ang #OgopMarawi, ito ang disaster relief drive para sa mga nagsilikas ng mga pamilya, ang educational and community support sa mga kabataan sa pamamagitan ng Start Up project at ang moral support and care packages para sa mga sundalo na mula naman sa Project Shoebox.

Ang Marawi ang kapitolyo ng Lanao Del Sur, ang isa sa pinakamahirap na lalawigan na siya sentro ngayon ng bakbakan ng Maute group at Armed Forces.

TAGS: #OgopMarawi, Lanao Del Sur, Marawi City, #OgopMarawi, Lanao Del Sur, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.