Henry Sy, nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas batay sa 50 Richest List ng Forbes Magazine
Ang mall magnate na si Henry Sy ang nananatiling pinakamayan sa Pilipinas batay sa latest issue ng ‘The Philippines 50 Richest List for 2015’ ng Forbes Magazine.
Ayon sa Forbes, si Sy ay mayroong net worth na $14.4 billion na tumaas pa mula sa $12.7 billion noong 2014.
Kabilang sa mga negosyo ni Sy na nakapagtala ng pagtaas ng kita ang kaniyang SM Investments at SM Prime Holdings.
Narito ang top 10 na pinakamayayamang pinoy base sa kanilang kasalukuyang net worth ayon sa Forbes;
1. Henry Sy – $14.4 billion
2. John Gokongwei Jr – $5.5 billion
3. Andrew Tan – $4.5 billion
4. Lucio Tan – $4.3 billion
5. Enrique Razon Jr – $4.1 billion
6. George Ty – $4 billion
7. Aboitiz family – $3.6 billion
8. Jaime Augusto Zobel de Ayala – $3.5 billion
9. David Consunji – $3.2 billion
10. Tony Tan Caktiong – $2.2 billion
Naitala namang pinakabata na napasama sa Top 50 list si Edgar Sia II na mayroong $390 million sa edad na 38. Si Sia ang founder ng Mang Inasal na kalaunan ay ibinenta niya sa Jollibee Foods Corp. / Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.