Bislig City, Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2017 - 11:23 AM

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Bislig City sa Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 9:44 ng umaga ngayong Biyernes (June 16).

Naitala ang pagyanig sa 6 kilometers North ng Bislig City at may lalim itong 6 kilometers lamang.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang intensity 4 sa Bislig City at intensity 2 naman sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Unang iniulat ng Phivolcs na magnitude 4.6 ang tumamang lindol pero makalipas ang ilang minuto ay itinaas sa 4.9 ang magnitude ng pagyanig.

 

 

 

TAGS: Bislig City, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del sur, Bislig City, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.