Pagpasok ng remittances sa bansa, bumaba noong Abril
Bumagsak sa 15-month low ang pagpasok ng mga remittances mula sa mga overseas Filipino workers noong buwan ng Abril sa $2.08 billion.
Resulta ito ng pagiging mas malakas ng US dollar, pati na rin ang pag-kaunti ng mga remittances mula sa mga land-based workers.
Bumaba ng 5.9 percent ang remittances sa ikalawang quarter mula sa $2.21 billion na naitala noong nakaraang taon sa parehong buwan.
Ngayon lang muli bumaba ang pasok ng remittance sa bansa, mula nang maitala ang $1.997 billion noong January 2016.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, nagkaroon ng 7.6 percent na drop sa cash remittances mula sa mga land-based workers.
Nagkaroon rin ng epekto ang repatriation ng mga trabahador mula sa Saudi Arabia, lalo na’t ang bansang ito ay isa sa mga top remittance sources.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.