Bus company sa Pasay, bumwelta sa mga alegasyon ng labor union

By Kabie Aenlle June 16, 2017 - 04:00 AM

 

Kuha ni Richard Garcia

Mariing pinabulaanan ng Philtranco bus company ang akusasyon ng labor group, na ang pamunuan ang nasa likod ng umano’y pagtatanim ng ebidensya laban sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Marvin Mesias na legal counsel ng Philtranco, hindi rin totoo ang akusasyon na nakipagsabwatan sila sa Pasay City police.

Matatandaang noong June 9, sinalakay ng mga pulis na may bitbit na search warrant ang barracks ng mga empleyado kung saan nakumpiska ang tatlong baril at isang granada.

Nauwi ito sa pagkakaaresto ng 27 empleyado, kabilang na ang pinuno ng Philippine Workers Union-Association of Genuine Labor Organizations (AGLO).

Matapos maisagawa ang paghahalughog, iginiit ng tagapagsalita ng AGLO na ang pag-aresto sa mga empleyado ay isa lamang uri ng harassment ng pamunuan lalo’t nalalapit na ang eleksyon ng grupo.

Samantala, sinabi naman ni Mesias na iginagalang nila ang mga karapatan ng mga empleyado na bumuo ng organisasyon at sinusuportahan ng kumpanya ang mga aktibidad ng mga ito.

Tiniyak naman ng Philtranco na hindi kukulangin ng drivers at kundoktor ang kanilang kumpanya dahil sa insidente, at na tutulungan pa rin nila ang pamilya ng mga naarestong empleyado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.