Empleyado ng Bureau of Customs inulan ng batikos sa social media

August 27, 2015 - 09:11 AM

11973865_1016632801681401_1361155166_oInulan ng negatibong mga komento sa social networking site ang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na nagdepensa sa inspeksyon sa balikbayan boxes sa pamamagitan ng kaniyang facebook account.

Si Rousel Tan ay nag-post ng pahayag sa kasagsagan ng usapin hinggil sa pagbusisi sa mga balikbayan boxes. Sa isa sa kaniyang mga posts, sinabi ni Tan na may mga OFWs na nagpapadala at hindi idinedeklara ang totoong laman ng box. Inihalimbawa nito ang isang OFW na nagpadala ng bagong refrigerator pero hindi deklarado.

Ang naturang pahayag ni Tan ay nagpainit lalo sa ulo ng mga OFWs na pumalag sa naudlot na paghihigpit ng Customs sa mga balikbayan boxes.

Tinadtad ng bashers ang facebook ni Tan at ginawan pa ito ng isang community page kung saan inedit ang kaniyang mga larawan.

Sa isang post sa ginawang page na nakapangalan kay Tan, sinabi pang namatay na ito sa isang aksidente. “Pinatay nila ako, may nag-post na ‘isang empleyado ng customs namatay sa sarili niyang sasakyan’, eh wala naman akong sasakyan, hindi ako marunong mag-drive,” sinabi ni Tan

Dahil dito, humingi na ng tulong si Tan sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division para matigil ang pamba-bash sa kaniya sa facebook.

Itinanggi ni Tan na nag-post siya ng masasakit na salita at pang-aalipusta sa mga OFWs. Ang tanging inilagay lang aniya ni Tan sa kaniyang FB ay ang paliwanag kung bakit gagawin ng Customs ang pagbusisi sa mga balikbayan boxes. “Hindi ko kayang umalipusta ng mga OFWs, may mga kamag-anak din akong OFWs. Kung sinoman ang gumawa ng page, please tama na, naapektuhan na ang mga anak ko, I’m sure may anak ka rin,” ayon kay Tan.

Umaasa si Tan na mahahagilap ng NBI ang gumawa ng Facebook Page para matigil na ang paggamit sa kaniyang pangalan at mga larawan./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Rousel Tan bashed on Facebook, Rousel Tan bashed on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.