Palasyo, tiniyak na makakadalaw si Pang. Duterte sa mga bakwit sa Marawi City

By Isa Avendaño-Umali June 15, 2017 - 06:21 PM

Tiniyak ng Malakanyang na bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga evacuee o “bakwit” na biktima ng nagpapatuloy krisis sa Marawi City, bunsod ng pag-atake ng Maute terror group.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa oras na nakabawi na sa pahinga si Duterte ay maisasama na rin sa schedule nito ang pagdalaw sa mga evacuee.

Mula noong sumiklab ang bakbakan sa Marawi City ay hindi pa nakakapunta roon ang presidente.

May ilang obserbasyon naman na panay ang pagbisita ni Duterte sa mga kampo-militar subalit hindi pa ito nakita na bumisita sa evacuation centers.

Samantala, sa naturang briefing din, ini-ulat ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na limang porsyento lamang ng kabuuang 66,713 pamilyang kabilang sa mga tinatawag na internally displaced persons o IDP’s ang nasa pitong evacuation centers sa Lanao del Norte, Lanao del Sur at Cagayan de Oro City.

Karamihan sa mga evacuee o 95% ay nananatili sa mga kaanak o kaibigan, na tinatawag na homebased IDP’s.

TAGS: Ernesto Abella, Marawi City crisis, Rodrigo Duterte, Ernesto Abella, Marawi City crisis, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.