Iba pang lungsod sa Mindanao, target kubkubin ng Maute

By Dona Dominguez-Cargullo June 15, 2017 - 11:10 AM

Target ng Maute terror group na kubkubin at ma-kontrol ang iba pang mga lungsod sa Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi, sinabi nito na ito ay para ganap na ma-recognize at makapagtatag ng central ng Islamic State dito sa Pilipinas.

“Gusto nila sakupin ang Marawi City bilang sentro nila, pero may balak sila i-expand ang reach nila sa ibang Mindanao areas,” ayon kay Banlaoi.

Sinabi ni Banlaoi na ang pagkakadakip kay Maute bomber, Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid Huwebes ng umaga sa Cagayan De Oro City ay isang indikasyon na may presensya na ang Maute sa ibang bahagi ng Mindanao.

Paliwanag ni Banlaoi, bagaman hindi kasama sa organizational hierarchy ng mga Maute ang naarestong suspek ang pagkakadakip sa kaniya sa Cagayan De Oro ay senyales na maaring may ibang target personalities na din sa ibang lugar sa Mindanao.

Ani Banlaoi, tiyak kasing pupuntahan ng Maute ang mga lugar na alam nilang mayroon silang tagasuporta gaya ng Iligan City, Davao City, General Santos City, Sarangani, Cotabato City at Cagayan De Oro City.

Dagdag pa ni Banlaoi, dahil sa nagpapatuloy na military operations, hindi malayong i-mobilize ng teroristang grupo ang kanilang sleeper cells sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao para maglunsad ng mga pambobomba.

“Target nila is to establish full control ng several territories para officially ay ma-acknowledge silang probinsya na ng IS,” dagdag pa ni Banlaoi.

Dagdag pa ni Banlaoi, ang Maute ay kinikilala na ng IS at itinuturing nilang kabilang sa kanilang ‘soldiers of the caliphate in East Asia’.

 

 

TAGS: is, Islamic State, marawi, Maute, is, Islamic State, marawi, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.