Kalbaryo ng mga pasahero ng MRT lumala pa; mga bus at government vehicles nagsakay ng mga apektadong pasahero

By Jan Escosio June 15, 2017 - 08:42 AM

Kuha ni Jomar Piquero

Araw-araw nang nakararanas ng kalbaryo sa Metro Rail Transit (MRT) ang mga pasahero, pero ngayong araw, lalo pang lumala ang kanilang sitwayson.

Ito ay dahil sa binawasang bilang ng mga bumibiyaheng tren at binagalan din ang andar ng mga ito.

Ang pila nga mga pasahero sa mga istasyon ng MRT lalo pang humaba.

Dahil dito, nag-deploy ng 80 bus at government vehicles ang Joint Quick Response Team na binubuo ng LTO, LTFRB, DPWH, MMDA at DOTr.

Ang mga pasahero na sasakay sa mga bus ay magbabayad ng pamasaheng katulad ng halaga ng singil sa MRT.

Libre naman ang sakay kung government vehicle ang kanilang masasakyan gaya ng bus ng MMDA at military trucks.

Hiniling na rin ng DOTr sa MMDA na suspindihin ang number coding para sa mga City bus upang makatulong sa mga apektadong pasahero.

Ang pag-deploy ng mga bus at government vehicles ay gagawin hanggang linggo tuwing rush hour sa umaga at hapon hanggang gabi.

Ang ibang apektadong pasahero naman, kaniya kaniyang diskarte na lamang para makapasok sa trabaho.

Ang iba nag-uusap usap para magsama-sama sa isang taxi, uber o grab patungo sa kanilang destinasyon.

Binawasan ang bilang ng mga bumibiyaheng tren at binagalan din ang biyahe nito matapos na isa dito ang makataan ng sira sa axle.

Kailangang inspeksyunin ang mga tren upang matiyak na lahat ng mga ito ay ligtas bumiyahe.

 

TAGS: MRT, Train, train system, MRT, Train, train system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.