Isa sugatan sa multiple collision sa C5

August 27, 2015 - 06:58 AM

Aug 27 accident c5
Kuha ni Erwin Aguilon

Sugatan ang isang motorcycle rider sa aksidenteng kinasangkutan ng apat na sasakyan sa Intersection ng C5 at Greenmeadows sa Quezon City.

Ayon sa mga rumespondeng traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sangkot sa aksidente ang isang Fortuner, isang truck, 1 kotse at 1 motorsiklo.

Galing umano ng Greenmeadows ang kulay puting Fortuner na may plate number ZED 393 at kahit nagkulay pula na ang traffic light ay humabol pa rin ang driver nito na nakilalang si Fernando Dela Cruz.

Dahil dito, nabangga ni Dela Cruz ang isang 10-wheeler truck, ang truck naman ang bumangga sa Hyundai accent at nadamay din ang motorsiklo na minamaneho ni Michael Titoy.

Aug 27 accident c5 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagtamo ng mga galos sa katawan si Titoy dahil tumilapon ito mula sa kaniyang motorsiklo. Dinala na si Titoy sa pagamutan.

Wasak na wasak naman Fortuner dahil sa lakas ng pagkakabangga sa truck.

Nagdulot din ng maagang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Southbound lane ng C5 ang nasabing aksidente.

Ayon sa MMDA, alas 5:37 ng umaga naganap ang aksidente, pero alas 6:40 na ng umaga naitabi ang lahat ng sangkot na sasakyan./ Erwin Aguilon

TAGS: accident along c5, accident along c5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.