Hustisya para sa kidnap victims may 18 taon na ang nakaraan, iginawad ng korte
Yan ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa pitong miyembro ng Waray-Waray gang, na dumukot sa isang Filipino-Chinese couple at isang kasambahay, para sa isang ransom money.
Makalipas ang halos 18 taon, nakamit na ang hustisya nina Virgilio at Christine Chua, kasama ang kanilang kasambahay na si Analyn Simbajon.
Ayon kay Judge Marilou Runes-Tamang, taong 1997 nang isagawa ng mga miyembro ang kidnapping sa tatlong biktima.
Ito na ang pinakamahabang panahong naitala para sa kasong kidnap-forn-ransom, ayon sa Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO).
Guilty beyond reasonable doubt ang desisyon ng korte para sa kasong kidnapping with serious illegal detention para kina Roger Ete, Crisanto Dollete, Agustin Quinala, Mario Esiderio, Cipriano Cornista at Diosdado Tandagan.
Habang buhay na pagkakakulong o reclusion perpetua, o halos 40 taon na walang aasahang parole, ang sentensya sa mga suspek.
Napagalaman din na guilty ang isang accomplice na si Esperanza Falcon, sa nasabing krimen, na makukulong naman sa loob ng 12 taon.
Inaasahan ding magbabayad ang mga suspek sa biktima ng halagang P700,000 para sa lahat ng damage na binuo ng mga suspek, samantalang P40,000 naman ang halagang babayaran ni Falcon.
Wala namang hatol na ang korte, sa dalawang suspek na sina Teofilo Arlanzon at Benhur Anastacio, na namatay na habang nakakulong.
Sa kabila nito’y 11 paring suspek ang minamatyagan ang binabantayan, kabilang na sina Conrado Camiller, Michael Camiller, Alton Camiller, Adong Camiller, Olab Inalis, Elvira Diola, Pablo, Val, Junjun, King, at Mozo.
Kinidnap ang tatlong biktima noong April 8, 1997 sa Novaliches, Quezon City.
Ayon sa testimonya ng mag asagwa, patungo na sila sa kanilang pabrika nang biglang humarang ang isang taxi na naglalaman ng apat na katao.
Halagang P400,000 ang ibinayad ng mga kamag anak upang makuha ang tatlong biktima.
Inilagay naman sa state witness ang suspek na Carlo Samson, na nagsabing planado ang pagdakip sa tatlong biktima na inisip ng mas nakatataas sa kanya.
Dumalo sa pagdinig si Mrs. Chua, ngunit tumangging magsalita sa media, matapos ang desisyon ng korte.
Iginiit naman ni MRPO chairman Ka Kuen Chua ng adapt hindi tumagal ng 18 taon upang mahinog ang kaso.
Aniya, matagal nang dumadaing sila sa otoridad upang mapadali ang kaso, ngunit ngayon lamang sila nabigyan ng hustisya. /Stanley Gajete
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.