Isasalin sa apat na wika ang popular na karapatang naaayon sa batas para sa kapakanan ng mga dayuhan.
Sinimulan ng Philippine National Police o PNP ang pagsasalin ng Miranda Rights sa apat na wika; Chinese, Japanes, Taiwanese, at Korean na siyang magbibigay linaw sa mga dayuhan na malaman ang kanilang karapatan sakaling sila ay mahuli para sa ilang mga paglabag.
Ayon kay Senior Supt. Dennis Siervo, officer-in-charge ng PNP’s Human Rights Affairs Office (HRAO), sinimulan nila ito hindi upang magbigay takot, kundi upang matulungan sila na maunawaan ang mga regulasyon at batas nating mga Pilipino, sakaling sila ay may magawa na hindi angkop para sa atin.
Aniya, ang pagsasalin ay bilang pagsunod sa international human rights law, na siyang mag gagarantiya sa bawat indibidwal na maintindihan ang kanilang karapatan.
Sinisimulan na ng PNP ang koordinasyon sa apat na embahada upang matulungan sila sa pagsasalin.
Sinabi ni Siervo na buo na ang bersyon na Korean, halos pabuo na ang chinese, na sinbundan naman ng Japanese, Taiwan na bersyon.
Inamin din ni Siervo na marami ding mga pulis ang hindi nakakaunawa ng apat na wika, ngunit magbibigay sila ng recorded at printed na bersyon ng isinalin, upang madownload sa kanilang mga cellular phones.
Idadownload din ng mga pulis ang nasabing right upang may maipapakita sila sa mga dayuhan, sakaling sila ay mang aresto ng mga lumalabag.
Makikita din ang programa sa website ng Philippine National Police, na www.hrao.pnp.gov.ph upang magamit ng lahat.
Kasalukuyang binubuo ng PNP ang isang app para madaling makipagusap sakaling nag pang abot sila sa mga lugar na lumabag ang isang dayuhan.
Dinagdag pa ni Siervo na parehong partido, ang Pilipino, at ang dayuhan ang makikinabang sa nagawa nilang pagsasalin.
Ayon sa PNP, may mga kaso dati ng mga dayuhan ang nadismiss, dahil sa mga karapatang hindi nauunawaan ng mga dayuhan.
Sa ilalim ng Miranda Rights, dapat ipaalam ng pulis ang karapatan ng inaarestong dayuhan, at maibigay ang angkop na pagsasalin ng Miranda Rights, ayon sa lahi o wikang nauunawaan nito.
Isasalin din ng PNP sa Bisaya, at Ilokano ang nasabing right./Stanley Gajete
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.