Landslide at flashflood, kumitil ng 92 buhay sa Bangladesh

By Jay Dones June 14, 2017 - 04:25 AM

 

Umakyat na sa 92 ang bilang ng namamatay sanhi ng walang humpay na pag-ulan na nagdudulot ng matinding flashfloods at landslide sa southeast Bangladesh.

May posibilidad na tumaas pa ang naturang bilang ayon sa mga otoridad dahil marami pang residente ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Karamihan sa mga biktima ay nabaon ng buhay sa kanilang mga tahanan nang ragasain ng putik at tubig-baha habang natutulog.

Naapektuhan rin ng baha ang kampo kung saan namamalagi ang Rohingya refugees.

Bago ang flashfloods, unang sinagasa ng bagyo ang southeast Bangladesh may ilang linggo na ang nakalilipas na sinundan pa ng walang tigil na ulan.

Sa Chittagong Hills, naitala ang 26 na nasawi sandli ng landslide.

Marami naman sa mga naapektuhang residente ang inilipat sa mga evacuation centers dahil sa malakas pa rin ang ulan at mataas pa rin ang tubig-baha sa kanilang mga lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.