Kamara nagbabala ng constitutional crisis sa SC

By Erwin Aguilon June 13, 2017 - 03:47 PM

Umapela ngayon si House Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredinil Castro sa Supreme Court na irespeto ang Kongreso sa hindi pagsasagawa ng joint session kaugnay sa martial law declaration ni Pangulong Duterte.

Ito ayon kay Castro ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng constitutional crisis bansa.

Nauna ng sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nila susundin kung sakaling atasan sila ng korte para magsagawa ng joint session

Nagbabala pa nga ang pinuno ng kamara ng pagkakaroon ng constitutional crisis bukod pa sa bubunitin nito ang kautusan ng Supreme Court.

Iginiit ni Castro na nagpasya na ang Kamara at Senado  na huwag magdaos ng joint session kaya dapat itong irespeto ng SC bilang co-equal branch nila at maiwasan ang banggaan ng dalawang sangay ng gobyerno.

Dagdag ng mambabatas, kahit pa igiit ang joint session kapwa aprubado naman ng dalawang kapulungan na hindi na magdaos nito kaya balewala pa rin ang kautusan ng korte.

TAGS: Castro, Congress, Supreme Court, Castro, Congress, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.