‘Experience the Philippines’ ad ng DOT, hindi totoong ginaya sa South Africa

By Len Montaño June 13, 2017 - 11:45 AM

Itinanggi ng Department of Tourism (DOT) na kinopya nila mula sa tourism advertisement ng South Africa noong 2014 ang bagong lunsad nilang tourism campaign na ‘Experience the Philippines’.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, iba ang bagong tourism ad campaign ng Pilipinas dahil batay ito sa totoong buhay.

Paliwanag ni Alegre, mula sa true story ng isang retiradong Japanese na kasalukuyang nakatira sa bansa ang mapapanod sa DOT advertisement.

Paglilinaw ito ng ahensya matapos punahin ng mga netizens ang tila pagkakahawig umano ng ‘Experience the Philippines’ ad sa tourism ad ng South Africa.

Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ay inilunsdad ng DOT ang isang minutong video ad na may titulong “sights” kung saan makikita ang bulag na Japanese tourist na pumupunta sa iba’t ibang bahagi ng para maranasan ang mainit na pagtanggap at pakikitungo ng mga Pilipino.

Sinabi ng Japanese na hindi kailangang makakita para maranasan ang saya sa Pilipinas at maramdaman ang kaligtasan kasama ang mga Pinoy.

Pero sinabi ng ilang netizens na ito ay eksaktong kopya ng ‘Meet South Africa’ na inilabas noong nakaraang taon.

Isang dayuhan din kasi na visually impaired ang tampok sa nasabing tourism ad ng South Africa.

TAGS: dot, experience the philippines, sight, south africa, tourism ad, tv ad, dot, experience the philippines, sight, south africa, tourism ad, tv ad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.