Mga barangay sa Las Piñas, Paranaque at Muntinlupa, dose oras na mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2017 - 06:35 AM

Labingdalawang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang mga barangay sa Muntinlupa, Las Piñas at Parañaque.

Ayon sa abiso ng Maynilad, magsasagawa sila ng maintenance sa nasabing mga lugar dahilan para mawalan ng suplay ng tubig ang mga barangay sa tatlong lungsod mula alas onse ng gabi m(June 13) hanggang alas onse ng umaga bukas (June 14).

Kabilang sa mga apektadong barangay ang Almanza Uno, Pilar, Talon Uno, Talon Tres, Talon Kuatro at Talon Singko sa Las Piñas City; barangays Alabang, Ayala Alabang, Bayanan, Cupang, Poblacion, Putatan, Sucat at Tunasan sa Muntinlupa; at BF Homes sa Parañaque City.

Payo ng Maynilad sa mga apektadong customer, mag-ipon na ng sapat na tubig bago magsimula ang water interruption.

Inabisuhan din ng Maynilad ang mga residente na maaring ma-delay pa ang pagbabalik sa normal ng suplay ng tubig depende sa taas ng lugar p layo ng bahay mula sa mga pumping station.

 

 

TAGS: LasPiñas, maynilad, Muntinlupa, Paranaque, public service, water interruption, water service interruption, LasPiñas, maynilad, Muntinlupa, Paranaque, public service, water interruption, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.