55 pulis, nananatiling ‘unaccounted for’ sa gitna ng Marawi crisis

By Mariel Cruz June 13, 2017 - 04:34 AM

 

Limampu’t limang pulis pa ng Lanao Del Sur at Marawi City ang nawawala pa rin o hindi makontak hanggang ngayon ng PNP sa gitna ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa Marawi City.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao director Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, sa naunang tala na 76, nagawa nang lumutang ng labing-apat na pulis at humarap sa kanilang immediate superior.

Nagawa namang makatakas ng isang pulis ng Marawi City pulis kahapon ng umaga.

Pero sa ngayon ay hindi pa makapagbibigay si Sindac ng iba pang impormasyon ukol sa pulis na nakatakas sa gitna ng kaguluhan.

Sinabi din ni Sindac na bagaman wala silang ideya sa kondisyon ng ilang pulis, nagagawa naman aniya nilang makausap ang ilan sa mga ito paminsan-minsan.

Samantala, nadagdagan ng anim ang mga pulis na napatay sa bakbakan sa Marawi, at nakilala ang mga ito na sina Senior Insp. Freddie Solar, Insp. Edwin Placido, at PO1 Jumaid Mama

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.