Galaw ng DND at AFP sa gitna ng Martial Law, may basbas ni Duterte

By Isa Avendaño-Umali June 13, 2017 - 04:31 AM

 

AP File Photo | Bullit Marquez

May go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang paiiraling diskarte o estratihiya ng administrador at implementor ng Martial Law sa Mindanao, lalo na sa Marawi City na hanggang ngayon ay may krisis dahil sa paglusob ng Maute group.

Ito ang pahayag ng Malakanyang, sa gitna ng pagkwestyon ng pagtulong ng Estados Unidos sa Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagtugis sa mga teroristang parte ng Maute.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinapayagan ni Duterte ang DND at AFP na mag desisyon sa mga bagay na may kinalaman sa Batas Militar.

Kasama na aniya rito ang uri ng combat at surgical operations na ipatutupad sa Marawi City.

Ani Abella, na may paglilinaw na rito si Duterte noong siya’y dumalaw sa Cagayan de Oro noong weekend.

Paalala pa ni Abella na base sa nakapaloob sa general order number 1 ng Martial Law, itinatalaga ng punong ehekutibo ang kalihim ng DND bilang administrator at chief of staff ng AFP bilang implementor na maaaring magpatupad ng lahat ng available na paraan na naaayon sa batas para gawin ang lahat upanb mapigilan ang anumang insidente ng karahasan.

Kasama aniya sa diskarteng ito ay ang paghingi ng tulong sa pwersa ng Amerika para sa mas epektibong pagsupil sa mga kalaban.

Nilinaw naman ni Abella na technical support lamang ng US forces ang hiniling ng Martial Law officials, habang hindi uubra ang partisipasyon nila sa combat at surgical operations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.