DND: Pilipinas hindi masasakop ng ISIS kahit kailan

By Chona Yu June 12, 2017 - 07:44 PM

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malabong maihiwalay ng Maute group ang Marawi City sa Pilipinas at maging ‘Wilayat’ o maging probinsya ng ISIS sa Asya.

Ayon kay Lorenzana, nakadidismaya dahil wala na umanong pinipili ang mga kasapi ng Maute na patayin.

Hindi lang aniya mga sundalo ang tinatarget ng Maute group kundi maging ang relief at rescue workers at maging ang mga sibilyan na nagiging sagabal sa kanilang hangarin na makubkob ang Marawi City.

Sinabi pa ni Lorenzana na patuloy na magpupursigi hindi lang ang Armed Forces of the Philippines kundi maging ang Philippine National Police na labanan ang Maute group at maibalik sa normal na pamumuhay ang mga residente.

Sa ngayon ay tumutulong na rin ang U.S special forces sa pagdurog sa nasabing teroristang grupo.

TAGS: DND, ISIS, lorenzana, marawi, wilayat, DND, ISIS, lorenzana, marawi, wilayat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.