Duterte pinayuhang lunukin ang pride sa Marawi siege
Dapat umanong ipagpasalamat na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang pagtulong ng US special forces sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
Ayon kay Sen Antonio Trillanes, mas makabubuti ay lunukin na lamang ni Duterte ang pride nito.
Paliwanag ng senador, dapat ay ikunsidera na lamang ng pangulo na welcome development ang ginawagawang ayuda ng US sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
Sa pamamagitan ng US, nabibigyan umano ang tropa ng pamahalaan ng tinatawag na ‘accurate tactical intel’ para umano sa mas epektibong operasyon laban sa Maute terror group.
Giit ng senador, sa ganitong paraan ay mababawasan ang patuloy na pagkalagas ng mga sundalong nakikipagbakbakan sa teroristang grupo.
Sa kanyang pahayag kahapon ay sinabi ng pangulo na wala siyang alam sa partisipasyon ng U.S sa Marawi siege.
Pero inamin ni Duterte na ipinauubaya na niya sa security team ng pamahalaan ang diskarte sa pagdurog sa kanilang mga kalaban na terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.