Tulong ng DILG hiningi ng DOJ para mabantayan at mapakain ang mga miyembro ng Maute na nakakulong sa Cagayan de Oro City

By Rohanisa Abbas June 12, 2017 - 12:43 PM

Humingi ng tulong sa Department of Interior and Local Government si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para sa pag-detain sa umano’y mga miyembro at tagasuporta ng Maute Group sa kampo ng militar sa Cagayan de Oro City.

Sa kanyang liham kay DILG Officer-in-charge Catalino Cuy, sinabi ni Aguirre na walang ibinigay na pondo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa araw-araw na pangangailangan ng mga suspek.

Hiniling ni Aguirre sa DILG ang sapat na tauhan, pagkain, at iba pang pangangailangan ng mga umano’y myembro ng Maute group.

Inatasan ng Korte Suprema ang Cagayan de Oro Regional Trial Court na hawakan ang mga kaso ng mga suspek na nakapiit sa Camp BGen Edilberto Evangelista, ang headquarters ng 4th Infantry Division ng Philippine Army.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad sina Cayamora at Farhana Maute, ang magulang ng lider ng Maute terror group na sina Omar at Abdullah.

Kasama ng mga ito ang ilang kamag-anak at tagasuporta ng grupo.

 

TAGS: aguirre, DILG, DOJ, Maute, Terrorism, aguirre, DILG, DOJ, Maute, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.