Monumento Circle sa Caloocan, dose oras isinara sa daloy ng trapiko
Dose oras na isinara sa daloy ng trapiko ang Monumento sa Caloocan City para sa aktibidad ngayong Independence Day.
Mula alas 12:01 ng madaling araw hanggang alas 12:00 ng tanghali ngayong araw ng Lunes ay sarado ang Bonifacio Memorial Monument Circle para bigyang daan ang pagtatayo ng stage, pagdaraos ng aktibidad at pagbaklas ng mga kagamitan pagkatapos ng programa.
Ang pagdiriwang sa Monumento ay pinangunahan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, habang ang guest speaker ay si Supreme Court Associate Justice Mariano Castillo.
Maliban sa pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, nagkaroon din ng Civic-military parade at wreath-laying rites sa Monumento Caloocan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.