Watawat ng Pilipinas, naitaas at naiwagayway sa Marawi City sa kasagsakan ng mga pagsabog

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2017 - 09:22 AM

AP File Photo | Bullit Marquez

Sa kasagsagan ng bakbakan, nagdaos ng flag-raising ceremony ang mga lokal na opisyal, mga sundalo at pulis sa Marawi City.

Bagaman malakas ang pag-awit ng Lupang Hinirang, namayani pa rin ang malalakas na pagsabog habang isinasagawa ang pagtataas ng Watawat sa City hall.

Napakalapit lamang ng Marawi City hall sa lugar na sentro ng balbakan.

Habang idinadaos ang flag-raising tatlong aircraft ang nagsasagawa ng air strike sa mga pinaniniwalaang kuta ng Maute group.

Maliban sa Marawi City hall, naidaos din ang flag raising ceremony sa 39 na mga bayan sa Lanao De Sur ngayong ginugunita ang Araw ng Kalayaan.

 

 

TAGS: Lanao Del Sur, Marawi City, Maute, Lanao Del Sur, Marawi City, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.