Halos 6,500 na Davaoeños, huli dahil sa yosi

By Kabie Aenlle June 12, 2017 - 04:43 AM

AFP PHOTO/NOEL CELIS

Umakyat na sa halos 6,500 ang bilang ng mga pasaway na taong nahuli sa Davao City dahil sa paninigarilyo.

Mababatid na mahigpit na ipinatutupad ang smoking ban sa buong Davao City, kaya ito ang pinagbasehan din ng nationwide smoking ban na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pinuno ng Anti-Smoking Task Group na si Voltaire Engracia, pumalo sa kabuuang 6,493 ang mga sumuway sa anti-smoking ordinance ng Davao City, at sampu lang dito ang mga turista.

Aniya, ang naturang bilang ay nakuha mula April 12 hanggang May 20 ngayong taon.

Dahil dito, pinulong ni Engracia ang mga opisyal ng mga barangay para bumuo ng mga grupo na mahigpit na magpapatupad nito sa kanilang mga komunidad.

Ipinaalala naman ni Engracia na hindi lang mga sigarilyong gawa sa tobacco ang sakop ng ordinansa kundi pati ang mga electronic cigarettes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.