Labi ng 8 sa 13 marino na nasawi sa Marawi City, dumating na sa Maynila
Pasado alas singko ng hapon, dumating na sa Villamor Air Base ang bangkay ng walo sa 13 nasawing miyembro ng Philippine Marines sa pakikipagbakbakan sa Maute terror group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Kabilang sa walong sundalo na dumating sa Villamor Airbase ay sina:
– 1st Lt. Raymond Abad
– 1st Lt. John Frederick Savellano
– SSgt. Joven Triston
– Sgt. Simeon Plares
– Pvt. Bernie Jhon Lunas
– Pfc. Gener Tinangag
– Cpt. Rolan Sumagpang
– Pfc. Marvin Russel Gomez
Samantala, dinala na sa kani-kanilang probinsya sa Mindanao ang mga sundalo na sina:
– Cpt. John Romula Garcia
– Cpt. Jobert Cofino
– Pfc. Eddie Cardona Jr.
– Sgt. Meynard Pegarido
– Sgt. Miguelito Abao
Napatay ang 13 marino habang sugatan naman ang mahigit limapu pang kasamahan nang pasukin ang Barangay Lilod Madaya na pinaniniwalaang kuta ng teroristang grupo kasama ang sinasabing emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
Samantala, habang hindi pa nagsisimula ang igagawad na arrival honors sa mga namatay na marino, isa-isang kinausap ni Philippine Marines Commandant Maj. Gen. Emmanuel Salamat ang mga naulilang pamilya ng walong miyembro ng Philippine Marines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.