Ipapatawag ng Senado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para imbestigahan ang mga pahayag nito na nagsasabi na may ilang mga mambabatas ang may kinalaman sa pagkubkob ng Maute group sa Marawi City.
Binigyang diin ni Sen. Grace Poe, Chair ng Senate Committee on Public Information, na bilang kalihim ng DOJ ay dapat bineberipika muna ni Aguirre ang impormasyon bago ilabas sa publiko.
Matatandaang sinabi ni Aguirre na nakipagkita sina Senator Antonio Trillanes at Bam Aquino, Magdalo Party-list Representative Gary Alejano at ang political adviser ni dating pangulong Benigno Aquino III na si Ronald Llamas sa Alonto at Lucman clans sa Marawi City noong May 2, tatlong linggo bago naganap ang bakbakan ng pamahalan laban sa Maute group.
Kasunod nito, sinabi ni Aguirre na siya ay ‘misquoted’ ng media.
Iniutos naman ni Aguirre sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang posibleng destabilization plot laban sa Duterte administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.