Bicol, naghahanda na sa baha at landslide

By Rod Lagusad June 11, 2017 - 03:15 AM

Nakataas ang heightened alert sa ibat ibang mga disaster council sa Bicol dahil sa dalang ulan ng Low Pressure Area na nasa bisinidad ng isla ng Coron sa lalawigan ng Palawan na maaring magdulot ng baha at landslide sa mga mabababang lugar at mga dalisdis ng mga bundok sa rehiyon.

Naglabas ng advisory si Blanche Gobenciong, Office of Civil Defense (OCD) regional director at ang concurrent Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) chair sa lahat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ihanda ang mga disaster pre-emptive measures para sa epekto ng sama ng panahon sa lugar.

Nakasaad na advisory na dapat mag-ingat ang mga residente na nasa mga mababang lugar na mag-ingat sa pag-apaw ng mga ilog, mga landslide sa dalisdis ng mga bundok at lumikas na kapag lumala ang sitwasyon.

Maaring maapektuhan ang mga ilog ng Cabuyan, Bato at Pajo sa Catanduanes, mga ilog ng Labo, Daet at Basud sa Camarines Norte at mga ilog ng Lower Kilbay, Catabangan, Ragay, Tinalmud, Tamban at Lagonoy sa Camarines Sur.

Kasama rin dito ang mga ilog ng Lower Donsol, Ogod, Putiao, Cadacan, Banuang-Duan, Fabrica at Matnog sa Sorsogon, mga ilog ng Lanang, Mapayawan, Mandaoang, Asid, Malbag, Guiom, Nainday, Daraga, Nauco at Baleno sa Masbate at mga ilog ng Quenali at upper Donsol sa Albay.

TAGS: Bicol, flashflood, landslide, LPA, Bicol, flashflood, landslide, LPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.