Pilipinas matagal nang target ng ISIS ayon sa isang eksperto
Isang Singaporean terrorism analyst ang nagkumpirma sa plano ng ISIS terrorist group na maglagay ng kanilang base sa Pilipinas partikular sa Mindanao.
Ito’y matapos umanong mabigo ang grupo na magtatag ng kanilang caliphate sa Indonesia.
Sa isang forum, sinabi ni Dr. Rohan Gunaratna na ang planong “expansion” ng ISIS ay nagsimula noong 2014 sa Africa, sa Caucasus at sa Asya.
Aniya, nakakita ng kakampi ang ISIS sa mga lokal na grupo sa bansa gaya ng Abu Sayyaf, Maute maging ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Dahil sa pakikipag-alyansa sa mga grupong ito, iginiit ni Gunaratna na nakakita ng oportunidad ang ISIS para ituloy ang paglalagay ng base sa Pilipinas.
Ipinaliwanag din ng analyst ang pagsunod sa Wahhabism ng Maute group na nakakalaban ngayon ng pwersa ng military sa Marawi City.
Iginiit niya na ang Wahhabism ay isang “ultra-conservative form” ng Islam na binibigyang katwiran ang pagpaparusa sa mga hindi sumusunod sa kautusan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.