Duterte, handang sumunod sa magiging ruling ng SC sa martial law

By Kabie Aenlle June 10, 2017 - 06:04 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod siya sa kung anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng deklarasyon niya ng martial law sa Mindanao.

Ito’y taliwas sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na susuwayin niya ang Korte Suprema kung kokontrahin nito ang martial law.

Sa pagharap niya sa mga sundalo sa Sultan Kudarat City, sinabi ng pangulo na susundin niya ang magiging ruling sa mga petisyon laban sa martial law, dahil sa Korte Suprema na ito manggagaling.

Gayunman, umaasa si Duterte na mai-konsidera ng Supreme Court ang sitwasyon ng seguridad sa Marawi City na pangunahing dahilan ng kaniyang deklarasyon.

Nangako rin si Duterte na ibabalik rin niya sa normal ang sitwasyon sa bansa, at paulit-ulit na ipinaliwanag sa mga sundalo ang legalidad ng kaniyang naging hakbang.

Pabiro pang nakiusap ang pangulo sa mga sundalo na huwag magsagawa ng coup d’etat laban sa kaniya, kasabay ng pangako na ibabalik niya ang kaayusan sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.