Mobile at internet banking, mabagal pa rin ayon sa BPI

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2017 - 11:32 AM

Bagaman naayos na ang problema ng Bank of the Philippine Islands (BPI), mabagal pa rin at ang iba ay hindi pa rin maka-access sa kanilang mobile at internet banking.

Aminado ang BPI na nagkakaroon pa rin ng problema dahil sa high traffic o dami ng kliyente na gumagamit ng mobile at internet banking matapos makaranas ng problema sa kanilang mga account.

Sa updated advisory ng BPI na inilabas Biyernes ng umaga, sinabi nitong nakararanas pa rin problema ang ilang gustong mag-access online.

Sa mga susunod na araw umano inaasahang unti-unting babalik sa normal ang sitwasyon.

“Access to our electronic channels (ATMs, internet banking, mobile banking) has been restored since 9:00 pm last night. We acknowledge that the current high traffic on these channels may be causing some difficulties. We expect our services to normalize as the day progresses,” ayon sa BPI.

Available naman na ang mga ATMs ng BPI para serbisyuhan ang kanilang kliyente.

Habang maari ding magtungo sa kanilang mga branch.

Sa post sa comment box sa Facebook page ng BPI, marami pa rin ang nagrereklamo.

Marami sa mga nag-post ang nagsabing hindi pa rin naibabalik ang mga halaga na nawala sa kanilang account.

Ang iba namang umaasa ng kanilang sweldo, ay wala pang pera nagre-reflect sa kanilang ATM.

Mayroon ding mga nagsabi na hindi pa rin sila makalog-in sa kanilang account online.

 

 

TAGS: atm, bpi, internet banking, mobile banking, online banking, atm, bpi, internet banking, mobile banking, online banking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.