MRT at LRT may libreng sakay sa Independence Day

By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2017 - 11:24 AM

May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at ang Light Rail Transit (LRT) sa June 12, 2017, para sa paggunita sa ika-119 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Lunes, June 12, magbibigay ng libreng sakay ang MRT at LRT mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ito ay para mabigyang pagkakataon umano ang publiko na makalahok sa mga aktibidad para sa Araw ng Kalayaan na karamihan ay gaganapin sa Rizal Park.

Kabilang sa mga aktibidad sa Lunes ang job fair ng Department of Labor and Employment na gaganapin sa Senior Citizen’s Garden sa Rizal Park.

At medical, dental at optical service ng Department of Health, MMDA at Manila City Government na gaganapin naman sa Burnham Green sa nasabi ring parke.

Magkakaron naman ng sabayang flag raising at wreath-laying sa umaga kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ang inimbitahan bilang panauhing pandangal sa Rizal National Monument; si Senator Panfilo Lacson naman sa Kawit, Cavite; si Senator Loren Legarda sa Malolos City; si Senator Sonny Angara sa San Juan City; si PVAO Administrator Ret. Lt. Gen, Ernesto Carolina sa Manila North Cemetery; si Justice Mariano Del Castillo sa Bonifacio Monument sa Caloocan at si Department of Education Sec. Leonor Briones sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa NHCP ang selebrasyon para sa taong ito ay may temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama Samang Balikatin”.

 

 

TAGS: independence day, LRT, MRT, NHCP, Rizal Park, independence day, LRT, MRT, NHCP, Rizal Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.