Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa ITCZ
Bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ), itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa maraming lalawigan sa Mindanao.
Sa inilabas na abiso, alas 6:00 ng umaga, orange warning level ang nakataas sa Surigao Del Norte, Siargao Island, Dinagat Island, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha at landslides sa nasabing mga lalawigan.
Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa lalawigan ng Bukidnon; Tawitawi; mga bayan ng Laak at Monkayo sa Compostela Valley; bayan ng Kapalong sa Davao del Norte; Boston, Manay at Tarragona sa Davao Oriental; Jose Abad Santos sa Davao del Sur; at sa Sarangani.
Nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan ang iba pang bayan sa Compostela Valley, Davao Oriental, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Sarangani, Basilan, Sulu, Camiguin, Misamis Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.