Mga opisyal ng Smartmatic at COMELEC, pinakakasuhan na ng DOJ

By Kabie Aenlle June 08, 2017 - 04:25 AM

 

INQUIRER FILE PHOTO

Binaliktad ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Manila Prosecutors Office na nagbabasura sa pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Smartmatic at Commission on Elections (COMELEC).

Inaprubahan na ni Justice Undersecretary Deo Marco ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Sections (a)(1), 3 at 4 sa ilalim ng Cybercrime Act of 2012, laban kina Nelson Herrera, Frances Mae Gonzales at Rouie Penalba na pawang mga IT experts sa COMELEC.

Kakasuhan rin sina Marlon Garcia at kaniyang mga tauhan na sina Mauricio Herrersa at Neill Baniqued ng Smartmatic.

Gayunman, lusot naman na sa kaso ang project director ng Smartmatic na si Elie Moreno.

Inatasan na ng DOJ ang Office of the City Prosecutor ng Maynila na isampa na ang mga kaso sa korte, at magbigay ng ulat kaugnay nito sa loob ng 10 araw matapos nilang matanggap ang resolusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.