Ex-mayor ng Marawi, dinakip sa kasong rebelyon

By Jay Dones June 08, 2017 - 04:32 AM

 

John Roson/PNP R-10

Inaresto ng mga otoridad ang dating alkalde ng Marawi City dahil sa kasong rebelyon.

Hawak na ng Misamis Oriental Police si dating Mayor Fajad Umpar Salic, na nadakip sa isang checkpoint sa Bgy. San Martin sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental.

Sakay ng kanyang Ford Ranger pick-up ang dating alkalde na may plakang AFA1151 nang maharang ito ng mga otoridad habang patungong Cagayan De Oro City dakong alas-7:30 ng gabi.

Lumilitaw na asawa ni Salic ang pamangkin ni Farhana Romato Maute na ina ng magkapatid na sina Abdullah at Omarkhayyam Maute.

Gayunman, hindi pa malinaw kung may kinalaman sa mga kaganapan sa Marawi City ang dahilan ng pag-aresto sa dating alkalde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.