Mahigpit na parking regulations sa mga lansangan target ng MMDA

By Rod Lagusad June 07, 2017 - 03:10 PM

Inquirer photo

Pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang dayalogo sa mga hotel operators at restaurant owners kaugnay ng pamantayan sa on-street parking na siyang nakakaapekto sa daloy ng trapiko sa mga business districts sa Metro Manila.

Makakasama ni MMDA Chairman Danilo Lim ang mga miyembro ng Hotel and Restaurant Association of the Philippines para pag-usapan ang problema sa parking ng kanilang mga customers at kung paano malulutas ang mga ito.

Ang kakulangan ng parking spaces para sa mga sasakyan ng kani-kanilang customers ang nakikitang isang malaking dahilan ng traffic congestion sa Metro Manila.

Kaugnay nito, may mga commercial areas na may mga double parking na siyang nagpapaliit sa mga kalsada.

Bukod dito, pag-uusapan din ang isyu ng seguridad sa mga establisiyemento kasunod ng naging insidente sa Resorts World Manila sa Pasay City.

TAGS: hotels, lim, mmda, traffic, hotels, lim, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.