Abiso ng PAGCOR sa pagdaragdag ng seguridad sa mga Casino, hindi sinunod ng Resorts World Manila
Kinakitaan na ng inisyal na paglabag ng Philippine Amusement and Gaming Corp o PAGCOR ang Resorts World Manila.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, Games and Amusement at Tourism sinabi ni PAGCOR Chair Andrea Domingo na May 24 ng kasalukuyang taon naglabas sila ng security advisory sa lahat ng casino operator sa bansa na magdagdag ng precautionary measure kaugnay ng pag-atake sa Marawi City.
Gayunman, ayon kay Domingo hindi ito sinunod ng Resorts World base sa kuha CCTV nito.
Nagkaroon aniya ng kapabayaan sa security sa main entrance nito at sa parking entrance kung saan pumasok ang suspek na si Jessie Carlos.
Sa ngayon, ayon sa opisyal pinag-aaralan pa ng kanilang legal division ang iba pang paglabag ng RWM na ilalabas nila sa araw ng Biyernes.
Samantala, ikinukonsidera na ngayon ng PAGCOR na ipasumite sa mga casino operator ang kanilang mga security at fire plan bago mabigyan ng pahintulan na mag operate.
Pagdinig ng kamara kaugnay sa Resorts World attack isasagawa @dzIQ990 pic.twitter.com/UiWjGmKgfd
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) June 7, 2017
Congressional inquiry sa Resorts World attack nagsimula na @dzIQ990 pic.twitter.com/uCnmAMwRjy
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) June 7, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.