3 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Utah

By Len Montaño June 07, 2017 - 11:51 AM

AP Photo

Tatlo ang patay, kabilang ang shooter, at dalawang bata ang sugatan sa pamamaril sa Salt Lake City sa Utah.

Ayon kay Sgt. Kason Nielsen ng Utah police, naganap ang pamamaril sa labas ng isang bahay sa isang middle-class neighborhood sa Suburban Sandy alas 4:00 Martes ng hapon oras sa Amerika.

Wala pang detalye sa edad ng mga biktima, ang kondisyon ng mga naospital na mga bata at kung ano ang dahilan ang pamamaril o kung magkakakilala ang mga biktima at ang gunman.

Ayon sa residente na si Colby Corbett, hinihintay niya ang kanyang walong taong gulang na anak mula sa eskwelahan nang makarinig siya ng mula dalawampu hanggang tatlumpung mga putok ng baril sa loob lamang ng ilang segundo.

Ang lugar ng shooting incident ay isang milya lang ang layo sa isang Elementary School pero hindi malinaw kung nasaksihan ng mga bata ang pamamaril o kung narinig nila ang mga putok ng baril.

Nakalabas na sa paaralan ang karamihan ng mga bata pero may ilang estudyante ang naiwan sa playground o kausap ng kanilang mga guro nang maganap ang pamamaril.

 

 

 

 

TAGS: Shooting Incident, Utah Attack, Shooting Incident, Utah Attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.