May posibilidad na makaranas ng hanggang dalawang bagyo ang Pilipinas ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon sa pagtaya ng PAGASA, patuloy na lumalakas ang southwest monsoon o habagat at lumalawak na rin ang pagkakataon ng mga pag-ulan ang nararanasan sa western section ng bansa ngayong buwan.
Noong May 24, inanunsyo ng weather bureau ang pagdating ng southwest monsoon na naging susi upang ideklara ng Pagasa ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan makalipas ang isang linggo.
Bukod sa posibilidad ng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng dalawang bagyo, makakaaapekto rin ang intertropical convergence zone (ITCZ) na magdudulot ng mga pag-ulan sa umaga o sa hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.