Trillanes at Alejano naghain amyenda sa reklamo sa ICC laban kay Duterte
Maghahain ng supplemental complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Antonio Trillanes at Cong. Gary Alejano sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Sa 46-page supplemental complaint na ihahain ng personal nina Trillanes at Alejano ay kanilang iginiit na tuloy pa rinang nagaganap na pagpatay o mass murder sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon pa sa supplemental petition, mismong ang pamahalaan ay umaamin sa nangyayaring pagpatay patunay dito ang mga inilalabas na istatistika ng gobyerno.
Sa kabila umano nang naunang ihinaing petition noong Abril ngayong taon ni Atty Jude Sabio sa ICC na may titulong “The Situation of Mass Murder in the Phils, Rodrigo Duterte: A Mass Murderer”, nagpapatuloy umano ang state-sponsored extrajudicial killings sa bansa sa utos na rin ni Duterte sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.
Sa nasabing supplemental complaint, hinihiling nina Trillanes at Alejano na isailalim sa imbestigasyon ng ICC ang nagaganap na pagpatay sa bansa na itinuturing na crimes against humanity na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.